Saturday, November 26, 2011

Nanay Andresa Meets Head Office Staff

Nanay Andresa Javines (second from left), supplier of tuna packing material, at the CCT head office in Manila.
To her  right is eldest daughter Analee. 

CCT’s first Citi Microentrepreneur of the Year awardee, Nanay Andresa Javines,  personally shared with Manila staff the story of how God has blessed her business and family, during a lunch fellowship at the head office.   

Here is the full text of Nanay Andresa’s speech:

Magandang araw po sa inyong lahat, pagbati po galing sa ating Panginoong Hesus na tagapagligtas. Sa aking testemonya sa oras na ito, hindi ko po sukat akalain na ako’y naparito sa Maynila kasama ang aking anak.  Akin pong iniisip na itong lahat ay panaginip lang, panaginip na ngayon ay nagkakatotoo, kaya sa oras na ito ako po’y nakatayo sa inyong harapan.

Bago ko po ipagpapatuloy ang aking testemonya, ako’y magpapakilala muna.  Ako po pala si Andresa Marquez Javines, may asawa, may anim na anak, nakatira sa FVR Village, Fatima General Santos City, Mindanao.

Sa aking testemonya ngayon kung paano ako nakapag-umpisa. Dalaga pa po ako, ako’y nagnenegosyo na.  Nakapag-asawa at 15 years kaming nangngupahan, hanggang may nakita kaming hulugang lote. Nag-umpisa akong magtinda sa aming bahay na kung tawagin ay sari-sari store.  Yong aking kaibigan nag-imbita sa akin na sumama at makinig ng programa ng CCT at sumama naman ako.  Ako po ay nag-observe, dahil ako po ay Christian.

Na bless po ako dahil una po sila’y nanalangin, pangalawa, may sharing, pangatlo, may salita ng Dios.

Sabi ko sa sarili ko, hindi lang pala pautang ito kundi spiritual upbringing pala --  iba sa lahat na micro finance.

Nagsimula ako sa CCT noong year 2000.  Unang loan ko po ay P4,000. Binayaran hanggang sa nagtiwala sa akin yong P.A. at manager. Year 2003, nakapagpatayo ako ng bahay at nagsimula akong magbusiness ng tuna. Year 2005 nakabili ako ng dalawang motor, apat na lote at pinatayuan ng boarding house with eight rooms, at hindi lang diyan nagtatapos ang kabutihan ng Panginoon.  Nakapagtapos din ang aking tatlong anak sa kolehiyo at ngayon ay nakapagtrabaho na.  My dalawa pa po akong anak na nag-aaral ngayon at yong isa ay HI (hearing impaired).

Maliban sa tuna business ko para export, ako na rin ngayon ang nagsusupply ng gel ice at tuna materials for export sa mga suki sa fish port. Dagdag kita din po ito.  Ganyan ako pinagpala ng Panginoon.  Napakabuti ng Panginoon sa aking buhay kaya hanggang ngayon ako’y nagpapatuloy na naglilingkod sa Kanya.  Akin pong pinanghahawakan ang salita niya sa Mateo 6:33. Unahin po natin ang Panginoong Dios at ibibigay Niya ang mga pangangailangan natin, kaya kahit may mga pagsubok hindi po kami bumibitaw sa Kanya.

Sa ngayon, kami po ay namumuhay na masaya kahit may mga problema.  Para sa akin, ang CCT ay ginamit ng Panginoon upang kami ay manirahan nang may masagana at maunlad na pamumuhay.  Salamat sa CCT dahil kami ay natulungan at naiahon sa kahirapan.  Sa mga P.A. at manager namin sa GenSan, salamat sa pagtityaga at pagtitiwala.

Sa prize money na aking natanggap – una po ay ibibigay ko ang 10% para sa Panginoon, at ang pangarap ko pong magkaroon ng ‘top down’* ay matutupad na. At may pandagdag na rin po akong capital sa aking mga negosyo. Salamat Panginoon at salamat CCT.

Ang sabi ng Bibliya sa Jeremiah 29:11: Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo, mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti, ito’y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasan at punong-puno ng pag-asa.

Dalangin ko po na pagpalain pa ng Dios ang CCT at palalaguin, para marami pa silang matulungan na katulad ko datin na naghihirap.  Sadyang napakabuti ng ating Panginoon. Hindi po matatapos ang buong araw para ihayag sa inyo ang kabutihan ng Panginoon sa aking buhay.  Siya’y pinagkakatiwalaan at puno ng pagpapala. 

Purihin ang Panginoon at mabuhay ang CCT! 

AB Albania sings More Than Words.

Froi Parado gives the welcome
remarks.
Walt Davis of Hope International (left) and
Jill Hall of Kiva with Partnership Development /
Communications Department staff  (left to right)
Edwin delos Santos, Marie dela Cruz, Keren Tandico,
and Lala Yaun Salili, communications head and ...

Photos by Ciara Tan


No comments:

Post a Comment